734

Sep 21, 2020 @ 20:12
By

Converge employee gustong ipa-rape si Liza Soberano

Hindi papalampasin ni Liza Soberano ang isang empleyado ng Converge kung saan nagbanta ito ng rape sa Kapamilya actress.

Pinabatid ng mga fans ni Liza ang naturang tweet ng isang ‘Melissa Olaes’ kung saan hinayag nitong gusto na mabastos ang aktres.

“Wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. Sarap ipa-rape sa mga… ewan!” ayon sa social media comment ng naturang netizen.

Nag-reply naman si Liza at sinabing hindi niya papalusutin ang naturang banta ng netizen.

“Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address,” giit ni Liza.

Naglabas naman ng pahayag ang internet service provider na Converge kung saan sinabi nilang tinututukan na nila ang naturang empleyado.

“We are deeply concerned about the wrongful comments and behavior of some employees over social media. We do not tolerate such actions toward any customer and emphasize that their personal opinions do not reflect the company’s perspective, values, and culture,” lahad ng Converge.

“We are currently dealing with this matter and we will carry out disciplinary measures accordingly.”

Matatandaan na nireklamo ni Liza ang naturang ISP dahil sa makupad na internet connection.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?