94

Nov 20, 2021 @ 14:49
By

Converge bumagsak nationwide

Beast mode ang mga netizen matapos magkaproblema sa connectivity sa internet service provider na Converge ngayong Sabado.

Humingi ng paumanhin ang Converge matapos bahain ng mga reklamo mula sa mga user online.

Inaayos na umano ng kanilang technical team ang isyu para maibalik ang connection ng kanilang mga subscriber.

Nakararanas umano ang Converge ng major outage sa buong bansa, ayon sa monitoring service na Fing Internet Alert, kabilang ang CALABARZON at Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?