10

Nov 18, 2020 @ 12:56
By

Converge balik-serbisyo na

Inanunsiyo ng Converge ICT Solutions Inc. na naibalik na nito ang kanilang internet connectivity sa lahat ng kanilang service area sa bansa.

“We are pleased to advise that connection has been restored for Residential and Enterprise clients across our all services areas. Our teams worked round-the-clock to resolve issues and get all systems up and running,” ayon sa abiso ng kompanya, Miyerkoles.

“We are reviewing this incident to ensure it doesn’t happen again, on top of ongoing improvement initiatives. We apologize for the inconvenience and we thank you everyone for your patience and understanding,” dagdag pa nito.

Martes ng hapon, trending sa social media ang Converge ICT matapos na ilang residente mula Quezon City, San Juan City at iba pang parte ng bansa ang nagrereklamo dahil walang masagap na internet signal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?