92

Mar 16, 2020 @ 14:41

Contact tracing ng PAL sinita

Pinaghahanap ngayon ng Philippine Airlines ang mga pasahero ng kanilang biyahe na nakasabay ang isang COVID-19 positive na indibidwal.

“If you’re a passenger of flight PR2815 (PAL) from Manila to Davao on February 29, you were on the same flight with Patient 130,” ayon sa PAL sa tweet ni Mindanao-based journalist Karlos Manlupig, Marso 16.

“Please contact DOH-11 ASAP through these numbers: 09081710468 and 09568735621,” wika pa nito.

Nakikipagtulungan na umano ang PAL sa Department of Health at Bureau of Quarantine sa contact tracing ng mga naturang pasahero.

Gayunman, sabi ni blogger Tonyo Cruz na kayang-kaya i-trace ng PAL ang mga naturang pasahero sa dami ng mga hinihingi nitong contact information sa mga kustomer.

“PAL should be able to contact each of those passengers. The airline asks for multiple contact points in their booking forms: mobile and landline numbers, email address and residential and company addresses,” sey ni Cruz.

“PAL should directly contact those passengers. It has the information, the means, the manpower and the social responsibility. Only the company knows all those customers’ information, and all it would take is to check its databases,” sambit pa niya.

Sa ngayon, 140 na ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?