By

Consumer app inilunsad ng DTI

Sharing is caring!

Sasamantalahin na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang lawak ng naabot at impluwensiya ng social media para ipaalam sa publiko ang kanilang mga karapatan bilang mamimili at konsyumer.

Kahapon, inilunsad ng DTI ang #consumerPH, isang social media-based advocacy campaign ng Consumer Protection and Advocacy Bureau.

Ipinaliwanag ni Trade Usec. Teodoro Pascua na layon din nito na protektahan ang mga konsyumer, mula sa mga depektibong produkto hanggang sa mataas na presyo.

“ This will help, educate, inform the consumers or consumer groups understand the laws, policies, services, and programs designed to cater them,” ani Pascua.

Nabatid na ang bagong kampaniyang ito ay maari din magamit ng mga konsyumer bilang daan ng kanilang mga sumbong at reklamo.

Hinihikayat ng kagawaran ang mga netizens na bisitahin ang kanilang Facebook account, DTI.Philippines pati ang kanilang Instagram at Twitter accounts. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?