22

Dec 25, 2017 @ 16:01
By

Consultation, party sa gov’t agencies ipagbawal na – Legarda

Hiniling ni Senadora Loren Legarda sa Malakanyang na ipatigil sa lahat ng ahensya ng gobyerno ang pagdaraos ng mga pulong, party at konsultasyon sa mga hotel.

Bukod sa malaking gastos para sa gobyerno, hindi rin mailalapit sa publiko ang mga programa ng gobyerno.

Aniya, dapat ay idaos ang mga konsultasyon, pagtitipon at kasiyahan sa mga komunidad.

Liksyon ito ng idinaos na Christmas Party ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa five-star na Shangri-La Hotel.

Ginastusan iyon ng P6 na milyon.

“Isa lang ang tanong ko. Bakit kayo palaging sa five-star hotel? Bakit hindi gawin ang inyong konsultasyon sa mga unibersidad, sa public arena?” ani Legarda, chairman ng Senate committee on finance.

“Ba’t sa hotel? Bakit hindi na lang sa opisina o kaya sa mga gym,” dagdag ni Legarda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?