17

Jan 11, 2021 @ 15:51
By

Construction worker todas sa tiyuhin

Nauwi sa krimen ang pagtatalo ng magtiyuhin sa Barangay San Francisco Sur, La Union nitong Lunes.

Sa ulat kinilala ang biktimang si Ereneo Arciaga, 45, habang ang suspek ay si Eliseo Arciaga, 78, kapwa residente ng Barangay San Francisco Sur.

Base kay Sudipen Chief of Police Capt. Crecencio Abila, Jr., kinompronta ng suspek ang biktima sa bahay nito at pinagpapaliwanag kung bakit inilipat ang gate valve ng balon na nagpahina ng daloy ng tubig kanilang bahay.

Pero sa gitna ng pagtatalo ng magtiyuhin ay sinaktan diumano ni Ereneo ang kanyang tiyuhin, na naglabas naman ng baril at pinutukan ang kanyang pamangkin.

Dead on arrival ang biktima sa Ilocos Training and Regional Medical Center dahil sa tama ng bala sa ulo habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong murder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?