30

By

Construction worker todas sa kuryente

Nasawi ang isang construction worker matapos itong aksidenteng makuryente nang mahawakan ang high-tension live wire sa bubong ng bahay sa Bayambang, Pangasinan Sabado ng umaga.

Kinilala ng Bayambang Police Station ang biktima na si Henry dela Verde, 24.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Bayambang Police Station (BPS), kasama umano ng biktima ang ibang mga kapwa construction worker at inaayos ang bubong ng bahay ni Barangay Kagawad Rolly Giba nang bigla umanong hinawakan ng biktima ang primary live wire ng linya ng kuryente.

Sinabi ng BPS, ayon sa isang kasamahan ng biktima na si Gerry Malayos, 21, binalaan na nila ang biktima tungkol sa naturang linya ng kuryente ngunit nagbiro pa rin ito at hinawakan na naging sanhi ng kanyang pagkakuryente.

Agad namang isinugod sa Bayambang District Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival dahil umano sa 3rd degree burn sa kanyang katawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?