60

By

Construction worker tinadtad ng saksak sa leeg, todas

Malamig na bangkay at tadtad ng saksak sa leeg nang madatnan ng kaniyang nobya ang isang construction worker sa loob ng kaniyang tahanan sa Quezon City.

Kinilala ni P/Lt. Nick Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ang biktima na si Ronald Sepida Valdez Jr., 26, residente ng Brgy. Bagong Silangan, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl. Alexiss Mace Jurado, ng CIDU-QCPD, alas-otso ng umaga noong Lunes (Agosto 12) nang matagpuang duguang nakahandusay at tadtad ng saksak sa leeg ang biktima ng umano’y nobya niyang nakilalang si Jeraldine Tolentino sa loob ng tahanan nito.

Ayon kay Tolentino, nagpupunta lamang siya sa tahanan ni Valdez tuwing weekend at kung may libreng oras siya, kaya wala siyang nalalaman kung sino ang may kagagawan ng krimen.

Nagulantang na lamang umano siya nang sa pagbukas niya ng pintuan ay bumungad sa kaniya ang duguang nobyo kaya agad siyang humingi ng saklolo sa mga opisyal ng Brgy. Bagong Silanganan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?