32

By

Construction worker timbog sa pagnanakaw

Kulungan ang bagsak ng isang construction worker sa Pasig City matapos ireklamo ng pagnanakaw ng electric drill ng kasamahan sa trabaho, Biyernes ng gabi, Agosto 30.

Batay sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ng Eastern Police District, nakilala ang suspek ang 28-anyos na si Mark Anthony Alvarez na nahaharap sa kasong theft.

Naganap ang pagnanakaw bandang alas-11:50 nitong Biyernes sa loob ng construction site sa Tri-Act II Center Bldg. A. Delo Santos St., corner San Guillermo Ave., Barangay Buting, Pasig City.

Ayon kay Edwin Presado, 54-anyos, construction lead man, nakita niya ang tangkang paninimple ni Alvarez nang itago nito ang isang Lotus electric drill at umano’y itatakas sana subalit nakatunog ito at hinuli ang suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?