13
arestado
By

Construction worker, tiklo sa droga sa Mandaluyong

Sharing is caring!

Arestado ang isang construction worker matapos magbenta ng illegal na droga sa isang pulis na umaktong buyer sa ikinasang buy bust operations, kahapon ng madaling araw sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Marbic Archay y Cantero, 24-anyos, residente ng Mandaluyong City at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act.

Naganap ang ikinasang buy bust bandang 4:30 kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Block 39, sakop ng Barangay Addition Hills, nang magpositibo ang mga tauhan ng station drug enforcement unit na nagbebenta ng illegal na droga ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang limang plastic sachets na naglalaman ng shabu at Php 200 buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Mandaluyong detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?