8

Sep 18, 2020 @ 16:16
By

Construction worker tigok sa pako

Nasawi ang isang construction worker matapos matusok ng pako sa paa.

Ayon sa ulat sa “24 Oras”, nakaapak ng pako na may kalawang ang biktimang si Florendo dela Cruz, 40-anyos.

Ilang araw ang lumipas ay pumanaw ang biktima.

Hindi raw nito sinabi sa kanyang pamilya ang nangyaring pagkapako niya.

Nakasaad sa death certificate ng biktima na tetanus infection ang kinamatay niya.

Ayon kay Dr. Rheul Bobis, hepe ng infectious disease cluster ng Center for Health Development-Ilocos, nakukuha ang tetanus kapag nagkasugat ang isang tao pagkatapos ay nagka-contact sa isang bagay na kontaminado ng bakteryang “Clostridium tetani” na nagdudulot tetanus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?