15

Jan 19, 2021 @ 15:24

Construction worker pinaliguan ng bala ng kainuman, patay

Patay ang isang construction woker matapos siyang pagbabarilin ng kanyang kainuman sa Panitan, Capiz.

Kinilala ang biktima bilang si Michael Obligar, residente ng Bgy. Capagao.

Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman ang dalawa noong Linggo ng gabi nang bigla silang magkasgutan.

Pagkatapos nito, umuwi sa bahay ang suspek at kumuha ng baril na ginamit upang patayin ang biktima.

Idineklarang dead on arrival si Obligar sa Bailan District Hospital matapos pagbabarilin sa dibdib.

Agad na tumakas ang suspek pagkatapos ng krimen.

Nahaharap sa kasong pagpatay ang hindi pa natutukoy na suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?