44

Dec 6, 2021 @ 16:51

Construction worker, pinalakol ng katoma

Viral sa Facebook ang viral video na inupload noong Linggo kung saan makikita ang paulit-ulit na paghampas ng palakol ng isang lalaki sa kanyang kapwa construction worker at kainuman.

Ayon sa post ni Remi Perez, magkatrabaho at lagi pang magkainuman ang suspek at ang biktima sa Signal Corps Subdivision sa Cainta, Rizal.

Si Perez din ang nakakuha ng video kung saan ilang ulit na pinaghahampas ng palakol sa ulo ng suspek ang biktima

Kinilala naman ang suspek na si Ronald Ricardo Dayacruz, 54-anyos at residente ng Sitio Ruhat III Lower Mambugan, Antipolo City.

Ang biktima naman ay kinilala sa alyas na ‘Tatay Toto.’

Agad na nakatakas ang suspek, habang wala ng buhay ang biktima matapos ang krimen.

Hindi naman nakasaad sa post ni Perez ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

https://www.facebook.com/chocolabisreal/posts/1236479526840589

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?