136

By

Construction worker patay sa isang suntok

Nahaharap sa kasong homicide at physical injury ang isang empleyado ng water services provider matapos mamatay ang lalaking sinapak niya habang sugatan ang iba pa sa nangyaring rambol sa Camarin, Caloocan City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Arjay Espallardo, 26, construction worker habang ang suspek ay si Wollo Flores, 20.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na magkasama si Espallardo at kaibigan niyang si John William Lumactud, 18, sa nabanggit na barangay alas-10:00 ng gabi nang bigla silang atakehin ni Flores.

Sinapak ni Flores sa mukha si Espallardo kaya natumba ito at tumama ang ulo sa semento.

Matapos ay pinagbalingan naman ng suspek si Lumactud na nasapak naman niya sa kanang mata.

Naitakbo pa si Espallardo sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital at inilipat sa East Avenue Medical Center pero namatay din kalaunan habang ginagamot madaling-araw ng Biyernes.

Alas-nuwebe ng umaga, Oktubre 4, nagtungo si Lumactud sa barangay hall ng Barangay 178 para maghain ng reklamo laban kay Flores.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?