167

By

Construction worker patay sa aksidente sa site

Isang trahedya ang naganap sa construction site sa Sampaloc, Manila nitong Linggo ng umaga (July 14) nang pumalya ang kable ng isang tower crane na may buhat na balde ng semento at bumagsak sa isang construction worker na ikinamatay nito.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga sa Dos Castillas cor P. Margal Streets sa Sampaloc, Manila.

Hindi pa nababatid ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawing obrero at patuloy pa rin ang imbestigasyong isinasagawa ng mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?