557
contruction-worker
By

Construction worker napikon, pinukpok ng bato ang ulo ng kainuman

Sharing is caring!

Pinupok sa ulo ng construction woker na si Jherwin Apostol ang magsasakang si Rexie Alviar sa Pasuquin , Ilocos Norte.

Nauwi sa pamamaslang ang inuman ng dalawa nang magkainitan ang mga ito dahil sa pagyayabang umano ng biktima.

Patay si Alviar dahil sa matinding pagkakapukpok ng bato sa ulo nito. Agad namang tumakas ang suspek na agad ding nadakip ng mga pulis matapos ituro ng mga katrabaho.

Paliwanag ng suspek, self-defense ang ginawa nito.

Akma umanong kukuha ng kutsilyo ang biktima na nakalagay sa box ng motor nito kaya dinepensahan niya ang sarili, kumuha ng bato at ipinukpok sa ulo ng nasawing magsasaka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?