72

Jan 4, 2021 @ 18:05
By

Construction worker napagkamalang holdaper, patay

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa pagpatay sa isang obrero matapos mapagkamalang holdaper sa Pampanga kahapon.

Kinilala ang biktimang si Federico “Tek” Pineda.

Ayon sa ulat, pauwi na sana sa bahay niya si Pineda sa Santa Rita matapos dumalo sa kaarawan ng kanyang anak.

Pero binaril siya nang makita ni Cpl. Eframe Ramirez, na may hinahabol na robbery-holdup suspect.

“Pending the results of our own investigation, we urge the police force to be more discerning on the use of force and firearms during police operations,” pahayag ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia.

Kaugnay nito, sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas na mahaharap si Cpl. Ramirez sa kasong homicide at illegal discharge of firearm.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?