16

Sep 29, 2020 @ 9:18
By

Construction worker nabundol ng mayor, dedo

Patay ang isang binatang construction worker matapos masagasaan ng SUV na minamaneho ng alcalde sa Sta. Cruz Laguna noong Sabado ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Von de los Santos, residente ng Barangay Patimbao.

Batay sa report ng Sta. Cruz police, nakasakay sa bisikleta ang biktima nang masalpok ito ng Ford Everest na minamaneho ni Pila Mayor Edgardo Ramos, sa national highway sakop ng Barangay Patimbao mag-a-alas-sais ng gabi, Setyembre 26.

Nasa hulihan umano ng bisikleta ang sasakyan ng mayor nang biglang lumiko pakaliwa at patawid ng kalsada ang biktima kaya nahagip ito ng nasabing SUV.

Agad itong sinugod ng alkalde sa ospital ang biktima subalit nalagutan na ito ng hininga sa daan dahil sa matinding tinamong pinsala.

Kinustodiya naman ng mga pulis ang alkalde na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?