118

Dec 20, 2017 @ 10:56
By

Construction worker, kritikal nang kadyutin ng “buraot”

Agaw-buhay ang isang construction worker nang saksakin ito ng kaibigan ng kanyang kasamahan na sinabihan nito ng “buraot” sa Valenzuela City, kamakalawa ng hatinggabi.

Inoobserbahan ngayon sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Felipe Cabunag, 41, binata, stay-in sa Project Faustino Yu Construction Site na nakabase sa Ulingan St., Barangay Lawang Bato ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong saksak ng icepick sa kaliwang dibdib.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas na Lowi at Jay-Ar.

Sa report ni PO3 Roberto Medrano Jr., ng Station Investigation Unit (SIU), alas-11:30 ng gabi, lasing na dumating sa construction site si Cabunag.

Nakita niya na nasa loob si “Lowi” at pabalang nitong sinabihan

ang huli ng “Naubusan na naman ang parte na binigay ng nanay mo kaya narito ka, Buraot.”

Bunga noo’y nagalit si Lowi at hinamon ng suntukan ang biktima pero paglabas ng huli ay tinarakan agad ni Jay-Ar saka nagsitakas.

Si Jay-Ar ay kasamahan sa construction ni Cabunag at matalik na kaibigan ni Lowi.

Inaalam na ng pulisya ang tunay na mga pangalan ng mga suspek upang masampahan ng kasong frustrated homicide. (Orlan Linde)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?