16

By

Construction worker itinumba sa Caloocan

Sharing is caring!

Patay matapos barilin ang isang construction worker ng isa sa dalawang lalaki na nakaalitan nito sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Sa ulat ng Caloocan City Police-Homicide Unit, alas-2:30 ng madaling-araw nangyari ang pamamaril sa tapat ng bahay ng biktimang si Eddie Hazminez, 41, sa Phase II, Package 3, Block 62, Barangay 176, Bagong Silang.

Nagpapakain ng kanyang aso ang biktima nang dumating ang mga suspek at kinompronta ito.

Dito ay nagkamurahan ang dalawang panig hanggang sa bumunot ng kalibre .9mm na baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan ang biktima sa dibdib.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang krimen habang naisugod sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktima ngunit nasawi habang nilalapatan ng lunas. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?