30

Dec 5, 2020 @ 10:46
By

Construction worker ginutay ng salamin

Namatay ang isang construction worker matapos itong madisgrasya sa loob ng container van sa Lucena City.

Ito’y matapos na patakbuhin ng suspek na si Erwin Arnejo ang ulo trailer truck para makonekta sa nakaparadang container van.

Ngunit hindi batid ni Arnejo na nasa loob pa pala ng container van ang apat na construction worker, kung saan dahil sa pagmaneho nito ay naging dahilan para magbagsakan ang mga ito ng glass panel na nasa loob ng shipping container.

Ang mga biktima ay kinilalang sina John Paul Ongcal, Richard Gutierrez, Martino Villa at Rodel Ceballos.

Dinala ang mga ito sa pagamutan ngunit nasawi din kalaunan si Ongcal, habang nagtamo naman ng matinding pinsala ang tatlo pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?