16

Dec 1, 2021 @ 13:50
By

Construction worker dedo sa pamamaril ng riding in tandem

Binawian ng buhay ang isang construction worker matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding in tandem sa Batangas nitong Lunes.

Ayon sa Batangas provincial police, nasawi si Randy dela Pena, isang contruction worker, nang pagbabarilin ng mga armadong nakamotorsiklo sa bayan ng Mataas na Kahoy.

Batay sa imbestigasyon, si Dela Pena ay nakikipag-usap sa mga kaibigan sa labas ng kanyang tahanan sa Brgy. Bayorbor bandang alas-1:10 ng hapon.

Huminto naman malapit sa kanya ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo, atsaka siya binaril ng dalawang beses sa ulo.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa pinangyarihan ng insidente.

Inaalam na ngayon ng mga pulisya kung sino ang mga suspek at ano ang motibo sa pagpatay. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?