447
hinalay
By

Construction worker, arestado sa panggagahasa ng sariling anak sa Oriental Mindoro

Inaresto ng mga tauhan ng Puerto Galera Municipal Police Station ang isang construction worker matapos nitong gahasain ang kanyang 22-anyos na anak sa Barangay Tabinay, Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Kinilala ang construction worker na si Narciso Ciervo Cahilig, 42.

Ayon kay Philippine National Police MIMAROPA Spokesperson Supt. Imelda Tolentino, mismong lola ng bata ang nag-report sa mga pulis sa ginawang panggagahasa ng suspek sa biktima matapos na magsumbong mismo sa kanya ang apo.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng rescue operation ang Puerto Galera Municipal Police Station at naaresto ng suspek.

Sa pagtatanong naman ng mga pulis sa biktima, inamin nitong simula 12-anyos pa lamang siya, ginagahasa na siya ng kanyang ama.

Pinagbabantaan daw siya ng kanyang tatay na papatayin kapag nagsumbong, pero dahil hindi niya na matiis ang kanyang sitwasyon kaya napilitan na isyang magsumbong sa kanyang lola.

Sa ngayon ay inihahanda na ang mga dokumento sa pagsasampa ng kasong rape laban kay Cahilig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?