18
rodrigo-duterte
By

Constitutional Commission members, nanumpa na kay Duterte

Sharing is caring!

Nanumpa na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Constitutional Commission na mag-aaral sa mga probisyong aamiyendahan sa 1987 Constitution.

Kabilang ang mga ito sa mahigit 100 appointees na nanumpa sa mass oath-taking na ginanap sa Rizal Hall ng Malacañang.

Kabilang sa mga nanumpa sa Pangulo sina dating Chief Justice Reynato Puno, na tumatayong chairman ng Consultative Committee; dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel, dating Associate Justice Bienvenido Reyes at iba pa.

Maging ang comedian-actor na si Arnel Ignacio ay nanumpa rin sa kanyang bagong tungkulin bilang Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Dating nanungkulan si Ignacio sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bilang AVP for the Community Relations and Services Department.

Nanumpa na rin si dating Miss Universe Margie Moran Floriendo bilang miyembro ng board of trustees ng Cultural Center of the Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?