9

Jan 16, 2021 @ 21:37

Conor aagawan ng titulo si Manny

Kahit hindi pa sumasabak sa paparating na laban si Conor McGregor kontra Dustin Poirier, atat na itong makaupakan si Pinoy ring icon Manny Pacquiao.

“I know that talks are intensifying for [a fight] this year. I am excited for a Manny Pacquiao bout and it looks like it will happen this year,” pahayag ng Irish fighter sa panayam ng BoxingScene.com.

Bukod sa once in a lifetime chance, sasagarin na ito ni Conor at asam na pabagsakin ang fighting senator upang kubrahin ang WBA 147-pound world title ng Pinoy ring legend.

“I am open to it all, ready for it all. I will certainly attain a boxing world title before I call it a day. And I would be excited to do that against Emmanuel Pacquiao,” aniya.

Sa ngayon ay wala pang eksaktong petsa ang nilulutong sagupaan nina `Notorious’ at `Pambansang Kamao’ pero tiyak na aarangkada ito ngayong 2021 dahil napabalita na hayok na ring makasapakan ni Pacman ang MMA fighter. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?