10

Aug 19, 2020 @ 18:32
By

Conley balik agad sa Bubble

Isang araw matapos manganak ng misis ni Utah Jazz player Michael Alex ‘Mike’ Conley Jr., bumalik na agad siya sa National Basketball Association Bubble sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida.

Sumailalim ang 32-year-old 6-foot-1 guard sa quarantine. Kinakailangang magnegatibo sa lahat ng COVID-19 tests bago siya muling payagang makasama sa Jazz.

Nabigo sa unang laban ang Utah kontra Denver Nuggets sa Game 1 ng 74th NBA 2019-20 playoffs nitong Lunes sa overtime, 135-125.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?