1,542

Mar 17, 2020 @ 21:54
By

Congresswoman na nagbitiw dahil nag-threesome, may sintomas ng COVID-19

Inihayag ng dating congresswoman na na-expose siya sa coronavirus.

Ani dating Rep. Katie Hill sa ulat ng New York Post, mayroon siya ngayong mga sintomas ng deadly disease.

“I was exposed to COVID-19. Here’s what happened. My dad found out Saturday afternoon that he’d spent a lot of time with a person who tested positive for COVID-19,” tweet ng dating California congresswoman.

“I was exposed to my dad, but I could have been way before that too… we will never know. I have had a dry cough, shortness of breath, & a fever since Saturday,” dagdag pa niya.

Hindi binabanggit ni Hill kung na-test na siya sa virus dahil karamihan ng tweet niya ay pawang pag-atake sa mga ginagawa ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic na kumalat na rin sa Amerika.

Si Hill ang democratic congresswoman na nag-resign sa gitna ng isinasagawang ethics probe laban sa kanya matapos mabunyag ang affair niya sa lalaking senior aide at maging sa babae niyang staff noong nakaraang taon.

Isang netizen na si @jer2911tx ang bumuwelta sa kanya at sinabing, “I was exposed to COVID-19. Here’s what happened. It was an orgy with more than 50 staffers.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?