9

Jun 24, 2021 @ 16:14
By

Congressional medal para kay Yuka Saso hiniling

Naghain ng resolusyon ang mga lider ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni Speaker Lord Allan Velasco upang gawaran ng Congressional Medal of Achievement si Yuka Saso kaugnay ng kanyang makasaysayang panalo sa 76th U.S. Women’s Open Championship sa San Francisco, California kamakailan.

“Ms. Saso’s perseverance as she climbed her way to become one of the youngest and formidable lady golfers, has brought great pride and honor to our country,” sabi ni Velasco.

Bukod kay Velasco, may-akda ng House Resolution 1879 sina House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Minority Leader Joseph Stephen Paduano, at House Committee on Youth and Sports Development Chair Faustino Michael Carlos Dy III.

Si Saso ang unang manlalaro mula sa Pilipinas na nanalo ng major award sa larangan ng golf.

Sinabi ni Velasco na ipinakita ng tagumpay ni Saso na may ibubuga ang mga Pilipino sa larangan ng golf at nagbibigay ito ng pag-asa na makasungkit na ang bansa ng gintong medalya sa Olympics.

“This sends the strongest message that the Philippines is ready to bring home the top award for women’s golf at the upcoming Tokyo Olympics,” dagdag pa ni Velasco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?