46

Dec 29, 2017 @ 13:42
By

Congressional franchise para sa PUJs, anti-poor! – Zarate

Tinawag na ‘anti-poor’ ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang House Bill No. 6776 na oobliga sa transport operators para sa Kongreso na kumuha ng prangkisa.

Ito’y dahil nakasaad din sa panukala na dapat may P10 milyon na kapital para sa jeepneys, taxis, at kahalintulad na sasakyan habang P30 milyon naman para sa mga bus.

Ayon kay Zarate, papatayin nito ang kabuhayan ng libo-libong maliliit at mahihirap na operators at drivers.

“We will vehemently oppose this proposed bill because it only largely caters to the interests of big capitalists and corporations that can afford the required huge capitalization,” sabi ni Zarate.

Iginiit ng kongresista na kasabay ng planong pag-isahin ang LTO at LTFRB ay mapupulitika rin ang proseso sa pagbalik sa Kongreso ng kapangyarihang magbigay ng prangkisa sa public transportation.

“This not only defeats the very purpose of delegation but in the end, politicize and hamper the delivery of public services,” diin ni Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?