55
views
ABANTE TNT trenas suspended official sandiganbayan
By

Cong. Treñas, sinuspinde ng Sandiganbayan ng 90-araw

Sharing is caring!

Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang 90-araw na suspensiyon kay Iloilo City Rep. Jerry Treñas dahil sa kasong graft.

Inatasan rin ng anti-graft court Seventh Division si Speaker Pantaleon Alvarez na abisuhan ang korte kapag nagsimulang pagsilbihan ni Treñas ang kanyang suspensiyon at kung kailan ito matatapos.

Nag-ugat ang kaso ng kongresista noong alkalde pa ito ng lungsod kaugnay ng umano’y maanomalyang pagpapatayo ng Iloilo Press Club (IPC) building na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso sa Barangay San Pedro, Molo, Iloilo City.

Base sa impormasyon ng kaso, nilabag ni Treñas ang Commission on Audit (COA) rules dahil ang IPC ay hindi nongovernment organizations na accredited ng city government.

Iginagalang naman ng mambabatas ang utos ng Sandiganbayan at kumpiyansa itong malilinis ang kanyang pangalan.

“It is part of the judicial process which has to be respected. I will coordinate with office of the Speaker for its implementation. I know in the end I will be cleared of all these charges since all legal processes were followed when the assistance was given to the Iloilo Press Club in 2003,” pahayag ni Treñas. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?