281

By

Cong. Rocamora nasermunan sa Sereno impeachment hearing

Sharing is caring!

Nakatikim ng sermon si Siquijor Rep. Ramon “Rav” Rocamora mula sa mga kapwa kongresista sa gitna nang pagdinig ng House justice committee sa impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito’y matapos tanungin ni Rocamora si Associate Justice Teresita De Castro kung ano ang naramdaman nito nang italaga ni dating Pangulong Benigno Aquino III si Sereno bilang kapalit ni dating Chief Justice Renato Corona.

Giit ni House Majority Leader Rodolfo Farinas, “irrelevant” ang tanong ni Rocamora sa tinatalakay nilang alegasyon ni Atty. Larry Gadon laban sa punong mahistrado.

Pinaalalahanan din nito si Rocamora na huwag magtanong ng personal at irespeto si De Castro.

Sinegundahan ito ni House Justice Committee chairman Reynaldo Umali na nagsabing iwasan ang pagiging “argumentative” at magtanong ng pauli-ulit na katanungan.

Gayunpaman, sinagot rin ni De Castro si Rocamora at binigyang-diin na hindi niya pinaiiral ang emosyon sa trabaho.

“Matagal na akong justice. Walang karapatan ang isang tao na maging justice kung affected ng emotions. Kung ganyan ako na puro emotion dapat umalis ako sa SC,” diin ni de Castro.

“Kaya itong pag-appoint kay Sereno, anong magagawa ko, she was appointed by the President. Siguro ang dapat tingnan nyo ay ang aking ginawa. Kung walang basehan saka nyo sabihin na ang aking ginawa ay dahil lamang sa aking emotion,” dagdag ng Associate Justice. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?