570
Sapak Tondo Barangay
By

Cong. Pacquiao, inakusahang nambugbog ng menor de edad

Binugbog umano ni Sarangani Rep. Rogelio Pacquiao ang dalawang minors dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo na may maingay na mufflers sa Barangay Apopong, General Santos City noong New Year’s Eve.

Ayon sa report ng Manila Bulletin, nagkakaedad na 14 at 15 ang mga biktima.

Pinahinto umano ng bodyguard ni Pacquiao na kinilalang si PO2 Estrada ang mga biktima nang mapadaan ang mga ito sa bahay ng kongresista sa Barangay Apopong pasado alas-10:00 ng gabi.

Batay umano sa mga biktima, kinompronta sila ng aide ng kongresista dahil sa maingay na mufflers ng kanilang motorsiklo na kinainisan ni Pacquiao na nasa loob ng bahay.

Dinala umano sila ni Estrada sa loob ng compound ng bahay ni Pacquiao kung saan sila binugbog umano nito pati na ng bodyguard.

Noong New Year’s Day, pinatawag ng congressman ang mga magulang ng dalawang bata sa barangay hall ng Apopong, kung saan siya naging chairman noon bago naluklok bilang kinatawan ng Sarangani.

Sa naging dayalogo kasama ang kanilang mga magulang, binawi ng mga biktima ang una nilang salaysay sa mga pulis.

Mistaken identity umano at hindi sila sigurado kung si Cong. Pacquiao ang nanakit sa kanila dahil madilim daw sa bahay ng kongresista ng gabing iyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?