552

Nov 2, 2017 @ 12:23

Cong. Lagman hindi kapatol-patol – Roque

Nagsimula na ang “word war” sa pagitan nina incoming Presidential Spokesman Harry Roque at Congressman Edcel Lagman makaraang batikusin ang mga binitiwang banta nito laban sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, hindi niya pag-aaksayahan ng panahon si Lagman dahil hindi ito kapatol-patol sa mga banat sa kanya.

“I have not responded to congressman Lagman because I don’t think he’s worthy to be responded to by the incoming Presidential Spokesman that’s the truth. So he can say whatever he wants to say I’m not going to give credence to any of his statement,” ang pahayag ni Roque.

Nag-ugat ang iringan ng dalawang opisyal matapos ihayag ni Roque na kapag binato siya ng mga kritiko ay gagantihan niya ang mga ito ng hollow blocks na may kasamang adobe.

Para naman sa mga maagang bumabatikos sa kanya, sinabi ni Roque sa hahayaan niyang mamatay ang mga ito sa inggit.

Sinabi ng kalihim na mayroong hanggang November 20 siya para magbitiw bilang congressman habang sa November 6 naman siya opisyal a manunumpa kay Pangulong Duterte. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?