64

Oct 25, 2017 @ 14:36

Cong. Harry Roque ‘di pa sure sa PCOO

Tumanggi si Kabayan Rep. Harry Roque na kumpirmahin ang ulat na mapapabilang na siya sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ito’y matapos lumutang ang kanyang pangalan na posibleng pumalit alinman kina PCOO Secretary Martin Andanar o Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Ayon kay Roque, bahala na si Pangulong Rodrigo Duterte na magkumpirma sa bagay na ito.

Ayaw ding magkomento ng kongresista sa pag-endorso sa kanya ng pangulo bilang kandidato sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.

Hindi kinumpirma ni Roque kung tatakbo ito sa 2019 elections at kung tatanggapin ang pagiging presidential spokesman sakaling i-alok sa kanya ng Pangulo.

Sinabi lang ng mambabatas na makikipag-usap pa siya sa presidente sa darating na Biyernes.

“Up to Pres to confirm. Will see him on 27th,” ayon kay Roque. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?