15
ABANTE federalism change Rolando Andaya Jr.
By

Cong. Andaya sumalang sa drug test

Boluntaryong sumailalim sa drug test si House Majority Leader Rolando Andaya bilang tugon sa hamon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga kandidato sa 2019 midterm elections.

Nagbigay rin si Andaya sa Commission on Elections ng kopya ng resulta ng kanyang drug test na lumabas na negatibo.

Isinagawa ang drug test ng mga tauhan ng Department of Health (DOH) sa Bicol Sanitarium sa Camarines Sur.

“As a leader of the House of Representatives, I deem it my responsibility to be among the first to show support to PDEA. Submitting myself to a drug test is the least I can do,” sabi ni Andaya.

Aniya, may batas man o wala, obligasyon din nilang mga kandidato na patunayang hindi sila gumagamit ng droga.

“This is our way of maintaining integrity in governance. Kung yung mga kabataan, gusto nating ipa-drug test, bakit hindi puwede kaming mga kandidato na nagsisilbi sa bayan?” punto ng House leader.

Inirekumenda ng PDEA na sumailalim sa mandatory drug tests ang mga kandidato bilang bahagi ng crackdown ng administrasyon sa mga narco-politician.

Pero may naunang ruling ang Korte Suprema na nagsasabing ‘unconstitutional’ ang mandatory drug testing sa mga kandidatong dahil dagdag requirement ito na wala sa Konstitusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?