156

May 26, 2022 @ 13:16
By

Confirmed! ‘KiefLy’ buwag na

Kumpirmado na ang hiwalayan ng KiefLy o nina Kiefer Ravena at Alyssa Valdez.

Ito’y batay sa pahayag ng agency ni Valdez na VMG Asia. Sa naturang statement, hiling umano ni Valdez ang privacy at nanawagan ding ‘wag magpakalat ng anumang tsismis hinggil sa dahilan ng hiwalayan.

“We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party. Let us avoid making up stories & spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private,” saad ng VMG Asia.

“Thank you to all the fans who have loved and supported Alyssa through the years. We know you will continue to be there for her.”

Hindi na umano magpapaunlak ng panayam ang VMG para halungkatin pa ang isyu.

“This will be the only time we will address this matter. We will not be entertaining any interviews or questions. Thank you for your understanding,” pagtatapos ng statement.

Nagsimulang umugong ang balitang naghiwalay ang dalawa nang sabay silang magpalit ng profile picture sa Instagram nitong nakaraang linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?