964

By

Confirmed! Angel Locsin, Neil Arce mag-dyowa na!

Hindi na speculations kundi kumpirmado na ngang mag-dyowa sina Angel Locsin at movie producer na si Neil Arce.

May kapangyarihang hatid ang New Year para mapa-amin ang ilang mga artistang ayaw mag-bigay nang mas malinaw na update sa kanilang mga lovelife.

Isa na nga rito ay sina Angel at Neil Arce na palagi na lang nagpapalipad-hangin sa social media nang kani-kanilang mga mensahe nang pag-ibig, pero hindi naman sila umaamin.

Si Angel na mismo ang nagkumpirma sa kanilang romantic relationship ni Neil sa pinoste nitong photo nilang dalawa na kuha pa sa kasal ni Anne Curtis at Erwan.

Sinabi ni Angel sa caption nang photo nilang dalawa ni Neil na “falling in love with you” na ngangahulugan lang na talaga ngang mag-dyowa silang dalawa.

Sey pa ni Angel na ang pagmamahal niya kay Neil ang pinaka-best part ng kanyang 2017 at excited na raw siyang makasama pa ang lalake ngayong 2018.

@therealangellocsin, “Falling in love with you was the best part of my 2017 @neil_arce. Excited to share my 2018 with you.”

Nag-l love you naman si Neil kay Angel sa kanyang IG post kasama nang selfie photo nilang dalawa na parehong naka-dark shades sila.

Sa mensahe nito kay Angel parang nagpahiwatig si Neil nang ‘forever’ kay Angel.

@neil_arce, “My 2017…2018…2019..and sabi nga niya pag galingan ko..my forever,,don’t worry gagalingan k!! I Love you!”

Sumagot naman si Angel sa posting na ito.

@therealangellocsin, “hahahaha! Galingan natin hehehe.”

Nitong taon lang sumingaw ang sitsit nang pagkakaroon ng understanding nina Angel at Neil, nang mapansin ang madalas nilang pagsasama sa mga magkakahiwalay na okasyon.

Sa birthday ni Angel, isa si Neil sa mga dumating at nagpasaya sa aktres. At nang magkaroon ng ilang mga bashers ang aktres sa ginawa nitong pagpunta sa Marawi sa gitna nang giyera, isa si Neil sa nangungunang nagtanggol kay Angel. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?