24

Apr 17, 2021 @ 18:46
By

Coney Reyes bakunado na kontra COVID

Nakapagpabakuna na laban sa coronavirus ang nanay ni Pasig City Mayor Vico Sotto na si Coney Reyes.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post ang 66-anyos na aktres ng larawan niya habang may hawak na karatula kung saan mababasa ang: “I got vaccinated!”

Kamailan inihayag ni Sotto na walang palakasan sa kanilang vaccination program dahil mismong nanay niyang senior citizen ay sumunod sa tamang proseso.

“Nanay ko nga mismo hindi pa nababakunahan. 67 years old po ang nanay ko, may comorbidities din po siya. Walang palakasan, dumaan po sa tamang proseso. Nag-fill up siya ng form. Hinihingi pa nga niya sa akin ‘yung link, sabi ko, ‘Ma, tingnan mo na lang sa PIO’,” saad ni Sotto sa isang FB Live.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?