5

Oct 18, 2020 @ 20:04
By

Cone umaasa sa pagbalik ni Slaughter

Kahit pa nagkaroon ng gusot sa pagitan ng Ginebra at ni Greg Slaughter, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si head coach Tim Cone na muling magsuot ng kanilang jersey ang 7-foot big man.

Ayon kay Cone, nakipag-usap na si Slaughter sa management ng Ginebra at inaasahan na sa susunod na conference ay magbabalik na ito sa lineup.

“I know that he talked to our team manager. They cleared the air on some issues. I think they ironed out some issues and I think there’s gonna be more talks along the way,” ayon kay Cone sa ‘Power and Play’.

“I’m excited to have him back,” ayon pa sa may pinakamaraming kampeonato sa PBA.

Pinaliwanag din ni Cone na nais niya sanang mapasama sa lineup ng Ginebra si Slaughter para sa PBA bubble, ngunit hindi na ito kinaya dahil nasa Amerika pa noong ang manlalaro at hindi pa rin ayos ang kontrata nito.

“He needed to get here a couple of weeks before to really talk to management, settle things, get a contract then go in with us,” lahad pa ni Cone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?