253

By

Cone sinumpa si Reyes dahil kay Castro

Sa unang pagkakataon, iko-coach ni Tim Cone si Jayson Castro.

Nagpahinga si Castro sa national team at ‘di nakasama sa kampanya ng Gilas sa FIBA World Cup.

Nang ipahawak kay Cone ang national squad na isasabak sa Southeast Asian Games, isinama niya ang pangalan ni Castro sa pool.

Madaling tumugon ang veteran point guard.

Taong 2008, muntik i-draft ni Cone si Castro para sa Alaska.

“I’m excited about coaching him. I’ve never had a chance to coach him,” ani Cone sa unang ensayo ng Gilas nitong Lunes. “I almost drafted him back in 2008, but Chot Reyes got him. He jumped ahead of us and traded for him.”

Hawak noon ng Aces ang No. 5 pick, may tsansa na sa dating kamador ng PCU.

Nauna si Gabe Norwood sa Rain or Shine, sumunod si Jared Dillinger sa TNT.

Bigla, itrinade ng TNT si Jay Washington sa San Miguel Beer kapalit ng No. 3 pick. Ginamit ng KaTropa ang pick para kunin si Castro.

TNT ulit sa No. 4, kinuha si Rob Reyes.

Paghugot ng Alaska sa No. 5, si Sol Mercado ang tinawag ni Cone.

“We thought we’re going to get him in No. 5, but he ended up going No. 3,” dagdag ni Cone, bago tumatawang dinagdag, “Curse Chot Reyes!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?