517

By

Cone pabor sanang itigil ang laro, Guiao ayaw

Taliwas ng paniniwala sina Ginebra coach Tim Cone at NLEX mentor Yeng Guiao ukol sa kung posible bang ihinto ang laro nila sa Batangas City Coliseum.

Sa nasabing laro, ilang mga manlalaro na ang nadulas dahil sa basang sahig dulot ng pawis dahil sa sobrang init sa venue.

Ayon kay Cone, nang makita niyang madulas ang bagong ka-Barangay na si Stanley Pringle ay kinukunsidera nitong ipagpaliban ang laban.

“After Stanley fell, I was trying to get the attention of the commissioner to consider stopping the game because I was frightened for our players,” ayon kay Cone.

Natakot ito sa posibilidad na ma-injure ang kanyang mga manlalaro, na makakaapekto sa kanilang career sa hinaharap.

Ngunit hindi naman pabor si Guiao, naiintindihan na kailangang tiyakin ang kaligtasan ng mga player ngunit ayaw madismaya ang mga fan ng Batangas na minsan lang makapanood ng live PBA game.

“That was not in my mindset. The crowd would really be disappointed if we stopped the game,” lahad ni Guiao.

“Of course the safety of the players is paramount, pero everybody was trying to keep the floor dry and playable. So hindi ko talaga iniisip na huwag ipagpatuloy yung laro. Ako gusto ko talagang matuloy,” aniya pa.

Sold-out ang nasabing laro, halos 6,000 fan ang pumuna sa stadium na nagpadagdag sa init sa venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?