44

Oct 10, 2017 @ 12:23

Cone napa-yehey!

Dahil sa init ng ulo kumalas ang pansensya ng import ng TNT na si Glen Rice Jr. na humawi ng daan para makarating ang Barangay Ginebra sa best-of-seven title playoffs kontra Meralco Bolts sa  PBA Governors’ Cup na sisimulan sa Biyernes sa Lucena City.

Matapos ang nakakapagod na sagupaan tinapos ni coach Tim Cone ang live interview sa kanya  sa press room sa pabulong na sigaw na “yehey”!

Hindi siguro nakayanan ang pisikal na pag-guwardiya sa kanya ni Kevin Ferrer humulagpos ang galit ni Rice at itinulak niya ito kaya napahiga sa parquet floor ng court. Hindi pa nagkasya si Rice at binato pa niya ng bola ang Ginebra forward habang nakalupasay sa sahig.

Ang dalawang technical foul ay katumbas ng ejection sa playing court, wala sa panahong pinalabas ng court si Rice 1:41 ang nalalabi sa opening quarter, abante ang Texters 35-23.

Umuwi si Rice na may dalawang puntos, limang assists at tatlong rebounds.

Bagama’t walang import ng  tatlong quarters, lumaban ang KaTropa buo ang loob na mahahatak pa nila ang Game 5 kahit pa inulila na sila ni Rice.

Kung ang Ginebra ay kilala sa never-say-die attitude, tila nalipat ito sa Ka-Tropa sa buong gabi ng laro. Bumigay lamang ang “Bataan” ni coach Nash Racela dahil sa pagod na naghatid sa Kings sa panalo 115-105.

Lamang pa nga ang TNT 66-52 matapos ang first half at nagposte pa ng 18 points na abante 72-54 sa gitnang bahagi ng third quarter.

“We’re just fortunate that Glen Rice left the game. It’s unfortunate for everybody else. But it’s still a great game. They played an incredible first half. It’s one of the best first halves I’ve ever seen. They’re awesome specially playing all-Filipino. They just worn down in the fourth quarter,” amin ni Cone.

Hindi man na-interview si Racela ng Isport Lang masasabing laking panghihinayang nito dahil nangyari ang hindi inaasahan na nagbigay daan sa panalo ng Ginebra at pagkabigo na sana’y sila ng sister team Meralco ang maglaban sa kampeonato ng Governors’ Cup.

Kaya dapat na magpasalamat si Cone kay Ferrer dahil sa epektibo niyang pang-uurot sa import ng TNT.

Kung hindi nangyari kay Rice na ma-eject, sa tinakbo ng  sagupaan , napakalaki sana nang tsansa ng KaTropa na madala sa do-or-die ang semifinals series nila ng Gin Kings.

Kaya nga napa-yeheeeey si Cone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?