15

By

Cone mami-miss si Dandan

Sharing is caring!

Nanghihinayang si Barangay Ginebra coach Tim Cone sa nagawa ng kapwa coach na si Ricky Dandan para sa Columbian Dyip sa nakaraang dalawang PBA conferences.

Kamakailan lang ay nagbitiw bilang coach si Dandan matapos kapusin muli ang Dyip sa kanilang kampanya para makaabot sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

“I was sorry to learn coach Ricky Dandan resigned. He did wonders with McCarthy, King, and other players. Columbia was improved and playing an exciting brand of ball. The PBA will miss him,” ani Cone sa kanyang Twitter account.

Nagdesisyon si Dandan na iwanan na ang Columbian para pagtuunan ng pansin ang paghahanda ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons para sa darating na UAAP men’s basketball tournament.

Si Dandan ay nagsilbi bilang pangatlong head coach ng Columbian na nauna nang hinawakan ng playing coach na si Manny Pacquiao noong ito ay kilala pa bilang KIA Sorento taong 2014. Na-appoint si Dandan bilang mentor ng Dyip matapos magbitiw ang pangalawang coach na si Chris Gavina.

Sa pamumuno ni Dandan, nag-improve ang Dyip mula sa 1-10 record noong All-Filipino hanggang sa 4-7 record nitong Commissioner’s Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?