243

Cone inihambing sa MVP si Teodoro, may tsansa sa Ginebra

Sharing is caring!

Isa lang ang naging pick ng Barangay Ginebra sa nagdaang 2018 PBA Rookie Draft, ngunit posibleng dalawa ang isalang na rookie ng isa sa pinakasikat na koponan sa PBA.

Matapos hindi papirmahin ng Columbian Dyip, naging blessing in disguise pa ito para sa dating Jose Rizal University Heavy Bomber na makapaglaro para sa crowd darling ng liga.

“Positive lang ako always. Kinausap naman ako ni coach Tim at possible nga na ma-lineup ako,” ayon sa 25-anyos na manlalaro.

Saad naman ni Ginebra head coach Tim Cone, naging impresibo ang tryout ni Teodora para sa kanyang koponan, sinabing ang skillset nito ay pang-PBA na lalo na pagdating sa opensa.

“We’re very impressed with Teytey. I think he has PBA skills. He’s a really accomplished offensive player, and it’s just really a matter whether he has the defense to come and play in our system and whether he has the speed and quickness to match up with the point guards around the league,” ani ng multi-titled coach.

Todo-puri pa si Cone sa laro ni Teodoro, itinulad pa ang kanyang skills sa dating PBA MVP na si Willie ‘The Thriller’ Miller na dati ring naglaro sa Ginebra at para kay Cone noong nasa Alaska pa.

“He reminds me so much of Willie Miller in terms of skills. He has the same type of skills that Willie has and he knows how to use his body. I’m really impressed with him,” ayon pa kay Cone.

Bagama’t nabilib sa kanya ang koponan, hindi pa rin kampante si Teodoro, determinadong patunayan na karapat-dapat siya sa roster spot ng Kings.

“Basta kung bigyan ako ng chance ni coach Tim, bibigay ko lang ang best ko. Kung gamitin man nila ako o hindi, ibibigay ko lang ang best ko,” pakli ng manlalaro. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?