35

Jun 17, 2020 @ 13:18

Cone, Ayo luksa kay Cojuangco

NAKIKIDALAMHATI si Barangay Ginebra coach Tim Cone sa pagkamatay ng dating big boss ng San Miguel Corporation na si Danding Cojuangco.

“A tremendous friend to Philippine basketball. Our prayers for him and the Cojuangco family. The passing of an era,” tweet ni Cone.

Maging si UST coach Aldin Ayo ay nagbigay ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni Danding.

“RIP Boss. Thank You for the Opportunity. Forever Grateful for Your Kindness and Generosity,” tweet naman ni Ayo.

Bukod sa dalawa, nalungkot din ang basketball community sa pagpanaw ni sports patron Cojuangco nitong Martes sa edad na 85.

Bukod sa pagiging business tycoon at dating politician, isa rin si Cojuangco bilang basketball godfather para sa De La Salle University sa UAAP at San Miguel Corporation PBA teams na Barangay Ginebra San Miguel, San Miguel Beer at Magnolia Hotshots.

Sa tribute post ng PBA sa kanilang Facebook account, nag-iwan ang ilang fans ng kanilang mensahe para sa SMC chairman at CEO.

Komento ni Jhona Cequeña Oppus, “rest in peace Sir and thank you for bringing Ginebra team to the basketball world (PBA).”

“RIP Boss Danding. Thank you for the support to my favorite team San Miguel Beermen. Also for your BIG HELP during this pandemic,” saad naman ni Jr Toby.

Sambit naman ni Joel Richard Infante Prado, “RIP, Boss Danding. The whole La Sallian family mourns your loss, but celebrates your life. #Animo”

Sey naman ni Christopher Chavez, “maraming salamat sa suporta sa mga atletang Pinoy.” (JAT)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?