74
cone-ginebra
Jan 8, 2018 @ 16:29

Cone hindi kuntento sa nilalaro ng Gin Kings

Nasulot ng Barangay Ginebra ang kanilang ikalawang panalo 104-97 matapos silang pahirapan ng GlobalPort Batang Pier Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa 43rd Season ng Philippine Basketball Association.
Subalit dismayado si Cone sa ipinapakita nilang paglalaro ngayong  conference matapos nilang mapagtagumpayan ang kanilang title defense sa Govenors cup kahit pa nakadalawang panalo na sila sa parehas na bilang na laro hindi pa rin siya kontento sa nilalaro ng kanilang koponan.
“We kind of just stole the game,” saad ni Cone.
“That’s what teams coming from a championship do. They sleepwalk through the first three quarters, just turn on and try to win down the stretch,” dagdag nito.
“They feel they can just show up and win. They don’t really play until they really have to I’m disturbed. I think we can do away with that. This is something we have to get better at. We have to fire away right away.”
Dahil sa pabandang tira ni Japeth Aguilar nakalamang sila ng isa sa Batang Pier 98-97 na mayroon nalamang nalalabing dalawang minuto sa oras.
Matapos nito dito na kumamada sila Aljon Mariano, Scottie Thompson at Greg Slaughter na nagbigay ng 9-1 run para makuha ang nine points lead.
Nagtabla ang Ginebra at San Miguel sa tuktok tangan ang 2-0 rekord habang ang GlobalPort ay masama ang pag uumpisa ngayong season at mayroon ng dalawang talo sa parehas na bilang na laro.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?