70

Jan 18, 2020 @ 14:49
By

Cone hinalikan si Caguioa

HINDI nahiyang halikan ni coach Tim Cone si Mark `The Spark’ Caguioa matapos masungkit ng Barangay Ginebra Gin Kings ang kampeonato ng katatapos lang na 2019 PBA Governors Cup nang talunin sa Game 5 finals ang Meralco Bolts, 105-93i.

Sa Instagram post ni Caguioa ay makikita sa larawang pabiro at tila girlfriend na nag-kiss sa kanya ang most accomplished coach sa kasaysayan ng PBA.

Tuluyang humupa ang nerbiyos ng American professional basketball coach na may record na 21 titles at 2 Grand slam nang magwagi ang kanyang Barangay Ginebra team kontra Meralco Bolts.

Dahil sa cheesy at mala-bromance nilang IG photo ay marami ang nag-like, pumuso at nagkomento.

Sabi ni netizen @ohohroseann15, “cute ni coach tim waaa,” habang bumati naman si @Guiller Cruz, “congrats ctc & d spark.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?