23

Jun 13, 2020 @ 17:03

Cone, Guiao aprub ang walang import

KAPWA pabor ang dalawang premyadong coach na sina Joseller ‘Yeng’ Guiao ng NLEX Road Warriors at Timothy Earl Cone ng Barangay Ginebra na pansamantalang magkaroon ng tatlong All-Filipino Conference na walang mga import.

Lubhang ikinatuwa ng kapwa naging Gilas Pilipinas coach na sina Guaio at Cone ang posibilidad na maisagawa ang natatanging kasaysayan sa propesyonal na liga na na walang mga import dahil sa inaasahang magiging dagdag na prestihiyo hindi lamang sa koponan kundi pati na sa pagiging coach.

“Playing All-Filipino the rest of the season makes sense,” sabi ni Cone. “It will bring out the best on all of our players.”

Ipinaliwanag din ni Cone na inaasahan din na mahihirapan ang mga koponan na makakuha ng mga import habang may banta pa rin ng pandemic coronavirus.

“Trying to bring in imports at this point would be difficult for many teams, plus keeping them safe once they arrive could become an issue,” sabi ni Cone.

Tulad ni Cone, hindi din pabor si Guiao na magsagawa ng komperensiya na may mga import.

“Masaya na ako basta makapagsimula at makapagpatuloy lang tayo,” sabi ni Guiao.

“This is the time to be economical. Iyung pag-hire ng import must be taken into consideration dahil sa quarantine protocols at guidelines ng government.” (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?