33
Cone bagong Gilas coach
By

Cone bagong Gilas coach

Paniguradong nasa magandang kamay ang susunod na pambala ng Pilipinas sa Southeast Asian Games.

Kinupirma ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na si Tim Cone ang hahawak sa PH squad na sasalang sa Asian meet.

“I spoke to Tim Cone last Saturday and he expressed interested but wanted to finish his game last night and talk to his family first,” ayon kay Panlilio.

“Now I’m very happy to announce that coach Tim has officially accepted the role as head coach for Gilas Pilipinas Men in the upcoming SEA Games.”

Dati nang naging national team head coach si Cone, nag-bronze sa 1998 Asian Games sa Bangkok, Thailand.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?